Skip to main content

Eyeliner.... Pipikit Ako





♪♫♪♫ "Pipikit ako, pipikit at magpapatihulog. 
Tutuksuhin ng hangin ang tastas ng aking 
paldang lumalagpas sa gilid ng bato. 
Nais kong lumangoy sa kawalan, 
lumangoy sa kawalan. 
Pipikit ako't sisisid sa karagatan ng mga bisig mo. 
Pipikit ako't sisisid sa karagatan, sa nalalabing karapatan ko. 
Nakabukas man o sarado ... 
Pagkatapos, sasabak ang aking katawan sa kawalan. 
Bahala na kung ano ang makita pagbukas ng aking mga mata. 
Mga matang nakapikit, nagpupumilit sumilip. 
Ooooh pipikit ako't sisisid ... pipikit, sisisid ooooh."
 ♪♫♪


~Natuwa talaga ako’t namangha nung minsa’y may nadaanan akong isang blog.
Nabasa ko yung title ng Song “Eyeliner/pipikit ako”…  (parang pang indie film – ganitong ganito din kasi yung mga karaniwang title nila, mga di pangkaraniwan)– ginamit sa isang short Indie film na pinamagatang   “Pirouette”     

~At sa dinami dami ng pwedeng kumanta, Sya pa… yeah!!! SYA – pertaining to Armi Millare  of Up Dharma Down…  (Sya nga pala yung nasa picture) 

~Ang saya saya ko pag ganito, (malamang ikaw din? ) yung pakiramdam na ikaw palang nakakadiskubri ng bagay na iyon sa taong hinahangaan mo…. (para akong nanalo sa lotto – hahaha) 

~Kinulit ko talaga si Google para bigyan niya ko ng kopya ng kantang ito. Ayun! Medyo nasa mood siya at nagpakita agad sakin ang kantang wala sa Youtube ^_^ ( click  - sabay umandar ang download button… charaaan!!! )

Click mo to "kung gusto mong mapakinggan yung kanta" (bilis)






Comments

Popular posts from this blog

Daily Prompt: Just Keep Swimming

They (my sister and my niece) were watching  “Finding Nemo” last Sunday,  and that moment I was plucking my guitar,  I was about to get my capo when I heard clearly what Dory says (the blue fish)  “Just keep on swimming, just keep on swimming” Oh! That’s it! (Seems like God use Dory to remind me this)   When things seem to be impossible to do,  “Just keep on swimming, just keep on swimming” When you feel tired  “Just keep on swimming, just keep on swimming” When in doubt  “Just keep on swimming, just keep on swimming” Because when life gets you down, that's what you've got to do… “Just keep on swimming, just keep on swimming” Not literally but to "Move Forward in Faith" ^_^ #Amen #TYL #ThanksDory #EnduringHeart #FearlessFaith  #71of365 

MV Weekend

Iba – iba man yung rason kung bakit kami napunta Sa iisang lugar na ito, isa lang yug nagbubuklod samin: yeah!!! -- with my brod and sis from the top!  “DAHIL HINAYAAN NAMING, DALHIN KAMI DITO NG PANGINOON” mga kapwa ko misyonaryo Nag uumapaw yung pagmamahal sa aming mga puso, At ang kagalakan sa mahigit isandaang Brothers and Sisters all over Luzon Na sumagot sa tawag ng panginoon… Nawa’y di lang tumigil dito ng misyon natin sa panginoon, Kundi sa araw araw ay gawin nating isang hamon iyon, Sa bawat isa sa atin, ang maibahagi sa iba at maipadama Ang Pagmamahal ng panginoon sa mga kaklase, katrabaho, Kaibigan at higit sa lahat sa ating PAMILYA… #MV Weekend + Quezon Province Adventure!  God is really a Good artist! see How he paints the Sunset perfectly!

#Kabanata015

Eksena sa Daan: Pangunahing tauhan: Babae at Lalaki , magkasabay sa paghakbang ng paa, walang imik at tila ba naghahabol ng hininga. (babae) medyo katamtaman ang taas, mahaba ang buhok, may dalang libro at di maipaliwanag ang mukha. (lalaki) mas mataas sa babae, katamtaman ang laki ng katawan at may bitbit na gitara. Iba pang detalye: papalubog na ang araw at tila ba, naiiyak na ang kalangitan. Lokasyon: mataong lugar, lahat ay walang pakialam sa isa’t – isa. Pandagdag: may isang batang haharang sa babae at lalaki, magbebenta ng paninda niya sa bilao. (hindi ito papansinin ng dalawa, patuloy sa paglalakad at tila ba’y may sasabog na emosyon pagkalipas ng ilang minuto) Action: “ANUH BA?!!!!!” (at eto na nga ang inaabangang eksena ng mga tsismosa) (uulitin ng babae ang pagsigaw at uunahan sa paglakad ang lalaki) (maghahabol din ang batang may bilao) (at ang kalangitan ay nag ngingitngit nang maibuhos ang damdamin) Kulog sabay buhos ng malakas na...