Habang inuubos
ang ilang minutong pagmamasid sa paghampas ng karagatan,
May tamis
na hatid ang paulit – ulit na paghalik ng tubig sa Dalampasigan,
makailang
ulit man itong hilahin ng kabuuhan…
Nakakatuwang
isipin na sa kabila ng bilibid na mundong iniwan mo,
Matatagpuan
mo ang sarili mong tumatawa,
At panandaliang
bibitawan ang kung anumang balakid
Sa iyong
mumunting kasiyahan,
Ilang minuto
mong itatapon ang dating ikaw,
Sa pagtitiwalang,
makukuha mo pabalik ng buo.
At ang
tanging nagdidikta ay ang mga hampas ng alon,
Ang milyon-milyong
buhangin
at ang
milya milyang lalim ng karagatan…
Comments