Minsa’y
sumagi narin siguro sa iyong isipan?
Na
“kung pwede lang diktahan ang tadhana”
Ang
sarap iliko ng iyong daraanan,
yung
tipong magsasalubong kayo ng taong makakasama mo hanggang sa dulo ng
paglalakbay mo dito sa mundo,
yung
tipong ikaw ang may kontrol sa bawat pindutan at liko – likong daan…
pero
hindi eh!
Ang
mundong ito ay isang napakalaking “Maze”
Once
na pumasok ka sa isang pintuan,
Kailangan
mong tapusin ang laro,
Di
mo masisiguro ang labasan,
Maaaring
makulong ka sa isang lagusan,
At
maaaring mapunta ka sa tamang daan,
Walang
ibang nagdidikta kundi ang iyong “puso”
Kung
liliko o hihinto…
Patuloy
sa paglalakbay
At
walang kasiguruhan ang iyong bawat hakbang…
Hangga’t
sa pinanghahawakan mo ang pag – asang
Mararating
mo ang dulo…
At sana kung pwede
lang…
Ililigaw ko ang tadhana…
Ng di na kailanman muling
magkita…
At ng di na muling
masaktan pa…
Iguguhit ang bahaghari sa
langit,
Ng makalimutan ang hatid
na lungkot ng ulan,
At ng manatili ang ngiti
sa labi…
Ipagpapatuloy
ko ang daang tinatahak…
At
aasang magkasalubong sa dulo ng larong ito ng tadhana…
Comments