---> pindutin upang mag-Balik Tanaw
Tunay ngang naging napakakulay ang taong ito (^_^)
madaming makabuluhang bagay
( isali na ang mga walang kwenta - magkaganun man ay naging parte padin sila ng nagdaang taon)
Napuno ng saya at aral.
Pagdiskubre ng mga bagay na (magagawa ko pala)
at ng mga bagay na kelangang tanggapin kong hanggang dun na lang.
Isang makabuluhang taon na nagpatatag sa aking pagkatao,
sa kabilang ng di maipaliwanag na pagbangon sa kabila ng pinaghalong tamis at pait na karanasan.
Mga taong naging parte ng ating paglalakbay...
may mga nagpaiwan at may mga sumabay...
at may iba na mang mas piniling lumiko ng daan...
magkaganun man..
may kaunting pag -asa pa sa puso mong naiwan.
Ang mag krus ang inyong daan,
kahit sa pinakamalabo mang paraan.
Ang pagbubuklod - buklod sa kabila ng isanlibong pagkakaiba...
Ang Milyon- milyong tawang pinagsaluhan
Ang milya-milyang daan (matuwid o baku-bako man)
Ang di paawat na Unos (pisikal o emosyonal o spiritwal na aspeto man)
Higit sa lahat, ang Walang katapusang Pagmamahal ng Panginoon.
Isang pagbabalik tanaw sa taong nagdaan at pagharap sa bagong taong paparating!
Hanggad ko (at ipagdarasal ko ang walang katapusang "world peace" na hiling ng karamihan)
~Ipagpapatuloy ko ang daang tinatahak~
Comments