Skip to main content

Damdaming Hiram




























Kung sakit mang maituturing ang pagsusulat,
malamang…

WALA NA TONG LUNAS…

at panghabambuhay ko nang dadalhin to!
pumulupot man ang iyong dila,
sa pagsunod sa mga linyang aking ginawa…
ang bilibid na emosyong di papigil…
at ang mga salitang patuloy na gumigiling, 
kasalanan bang maituturing?
Ang itago ang kalungkutan sa aking mga ngiti?
Tamis at pait ay naghahalo na naman…
Ni di makuha ang timplang inaasam,
Isang kampay ng kape naman oh…
Pampagising lang ng araw ko! 
Matagal na namang naipon to,
At kailangan nang pakawalan,
Mula sa tuldok ay mabubuo ang mga salitang maglalarawan…
Sa mga makakabasa at makikiramdam.
Sapat nang iwan ko muna ang damdaming hiram…
Pasensya na’t nalilito lang… 


#Kape at ang bilibid na emosyon 











Comments