Nung piliin mong makilala Sya at tunghayan ang bawat makabuluhang kwento kada linggo,
Lubusan mo naring inakap ang Pagiging SFC mo , at kahit anung bagyo ang humampas sayo, di mo maitatago, at di mo na yun mababago. Ang simpleng pagkakakilanlan ngunit isang titulong di mo kailanman ikakahiyang isigaw sa mundo. Ang bawat karanasan na humuhubog sayo ay mag sisilbing pundasyon mo. At ang misyong panghahawakan natin habambuhay: Ang ipamahagi ang pagmamahal ng Panginoon saan man at kanino man, oras – oras at sa kahit anu mang pamamaraan… walang limitasyon ang pagmamahal ng Panginoon, Kaya sa tingin ko’y wala ring limitasyon ang pagbabahagi ng buhay, pananaw, kalinga at higit sa lahat ng pagmamahal sa mundo.
Grabeh! Habang nag ba-browse ako ng albums! Saka ko naalala yung daily gospel
Kung anu nga bang dahilan kung bakit ko nakilala ang mga taong ito, upang iparanas sakin kung gano Niya ko ka-mahal at marapat lamang na ibahagi ko din kung anu man yung mga ibinigay Niya sakin.
Comments