Skip to main content

Posts

Showing posts from 2014

Change♠

Yung napakagandang leksyon na itinuro ng mga naburang files na apat na taon kong ibinuro sa memorya ng maliit na kasangkapang ito:  1. Masakit mawalan at sa di maipaliwanag na dahilan ang minsa’y estranghero ay gagawa ng koneksyong di  mo alam kung panu bibitawan… 2. Kuya: “ok lang sayo? Mawawala lahat ng files dito pag ni-reformat ko to” Ako: “ok lang kuya, sige lang… kung yun lang yung tanging paraan… ihahanda ko na sarili ko” (emote lang ung huling talata haha) 3. Mahirap at di mo alam kung san magsisimula ulit, marahil ay isang malinis na pahina ang iyong nakikita ngayon, pero hayaan mo ulit na punuin yun ng mga bagong alaala at hinaing #FocusForward “When all else fails, I’d still choose to love you Lord!!!” ♪♫♪ ☼ New files, New life! Welcome Change! 

Salt of the Earth

Dear Father, may this simple sacrifice lighten the burden and bring happiness to others. Heal us from any physical pains and Nourish our spirit with joy for we have embraced a challenge to serve you. Continue to bless us with this kind of opportunities Lord and grant us with a heart that is willing to sacrifice and serve - a heart that is MISSION READY. Amen.Amen.Amen

Bloopers

"sometimes" said pooh, "the smallest things take up the most space in your heart"  #bloopers   #Littlethings   #project730  

Happy-Ever-After♥

Totoo ung Happy-Ever-After   Tiwala lang!  

Don't worry, be happy... :)

May nakalaang tamang oras para sa lahat ng bagay mundo.  Malayong malayo sa oras na meron ang Panginoon sa oras na meron tayo dito.   binasa ko lang naman to! pero bawat talata ay malaking hampas sa puso. Mga sampung beses ko ding nasabi "para sakin nga talaga to"   Madalas ang inaakala nating "huli na" ay ang pinaka perpektong "timing" na kelangan natin para mapag nilayan ang mga bagay bagay sa paligid.    Isa ding paalala: na Hindi ko kailangan intindihin ung malalabong bagay na dumarating at nangyayari, kundi ibigay yung buong tiwala sa may Akda ng buhay ko!    #SalamatDito   #YoureTheLifterOfMyheart

Habakkuk

Do you want your Good now? or my Best Later? ~God

Clover Leaf ♣

Etong “Clover leaf” yung nag paalala sakin na Kapag magmamahal ka kelangan pala tatlo ung puso mo, isa para sa Panginoon, para sa kanya at para sarili mo    ***Dear future GG, If I am to love you, I must point you daily to the Father. If I am to care for you, I must be Christ daily. If I am to honor and cherish your heart, I must be willing to surrender it to Christ daily.    "My whole being waits and in His word I put my hope" -Psalm 130:5

Akin ka na lang ♥

Nagbalik tanaw… May kabagalan at kelangan mong namnamin ang bawat detalye… At sa bawat hibla ng paglalakbay nato… Ang mensaheng nais Niyang ipaabot at ibahagi ko sa mundo: "Jesus Christ is the same yesterday and today, yes and forever" (Heb. 13:8) awww... ☺ kaya kung magrereklamo ka’t magtatampo, magbalik tanaw ka ng paulit ulit at tandaan mo: Andun Siya nung masaya ka, andun Siya nung malungkot ka, andun Siya nung sobrang nasasaktan ka… Siya ung nangungulit sayo ng paulit ulit at walang kapagurang nagsasabing:  “Akin ka nalang… Iingatan ko ang puso mo, Aking ka nalang… at wala nang hihigit pa sayo…” (minsan ala itchyworms si Lord) haha ;)  #seryoso September 9, 2014 - 11:49am

Let God

Tatlong magkakasabay na pagtitipon para sa Panginoon yung naganap,  nakakahinayang na hindi tatlo yung katawan mo diba? Haha. Pero isa lang yung nakuha kong mensahe Niya sakin nung araw na yun  at paulit ulit niyang pinaalala sakin:  “KELANG AN MAY BITAWAN, PARA MAGBIGAY DAAN SA MAS MALAKING BIYAYA” basag ako dun! Alam mo yung may “KAYA PALA Moments” ka na naman! At wala kang ibang magawa kundi sabihin ung mga katagang: “SIGE NA, suko nako! Suko nako sa Pagmamahal na meron ka!!!” Totoo nga! Na kung nasan ka man ngayon at kung sino ka man ngayon ay bunga ng walang katapusang pagmamahal ng Panginoon at ng mga taong nakapalibot sayo araw araw. Hindi mo man lubusang napagtatanto na binabago ka ng Panginoon, binabago ka Niya sa maniwala ka man o hindi. Kailanman ay hindi Siya mapapagod na mahalin ka! “Huwag ka na Magtanong kung pano, magtiwala ka nalang”  #FruitfulWeekend   #CPRW #FearlessHeart   #WoundedHealerReflection

Daily Prompt: Abandonment

Let me introduce you to the word "A-ban-don-ment" Abandonment is casting off all your cares. Abandonment is dropping all your needs. Abandonment is laying aside, forever, all your spiritual needs. (kanina ko pa ito nababasang salitang to , I mean kagabi pa nga eh, sa iba ibang pagkakataon nga lang, pero eto lang ung common denominator ng mga pangyayari ngayong araw, simula sa: 1. "God's replies were far better than we imagined" --IHS reflection 2. "When you abandon yourself to God, He will not abandon you" kapag sinabi mong, "bahala ka na Lord" eh kelangan lahat talaga bitawan mo na, hahayaan mong ang Panginoon ang magmaneho ng buhay mo-- Father Benedict #Homily 3. "Don't worry, turog mo na yan" --txt message from my partner Francis 4. "We may be confused at times - sometimes, too confused that we no longer know what to pray for. But fret not, God is never confused. He knows what we ...

Fearless: Mura lang ang kasiyahan =)

Sulit yung pamumuti ng mata mo kakaantay ng tricycle,  yung makailang beses ka nang muntikang mag dausdos, (o_O)  yung pag habol-hininga,  yung pag gulong at pagyakap sa natumbang puno (hahaha)  yung pagdikit ng linta  at yung pagod sa paglalalakad... \kapalit ng bahaghari sa baba ng talon,  sa nagyeyelong tubig,  sa napakagandang tanawin,  sa pagpatak ng unang ulan sa Mayo,  sa nakakatawang kwentuhan,  s a pagkaing walang paglagyan,  sa Moby-Marathon (haha),  at sa mga taong nakasama mong gumawa  ng isang makabuluhang pahina sa kabanata ng buhay mo  ☺☺☺  Higit sa lahat Sulit yung sampung piso!  Mura lang ang kasiyahan sa mundo  ☺☺☺ "Nothing is so great for you to endure that Jesus doesn't stay by you through it" ---Chuck Swindoll--- #journeyBeyond  #FallsHopping  #MalabsayAtNabuntulan  ...

Fearless: One Step Closer

Araw ngayon ng pagtatapos, madaming na namang magsisitalunang diploma! batid ko lamang alalahanin ang pagtatapos din ng paglalakbay ng isang makabuluhang CLP nung isang taon! :) Salamat Panginoon, Sa mumunting mensaheng dumating, Sa mga taong nagbahaging kanilang oras, kakayahan at talento, Sa mga taong ginawa mong instrumento, upang maibahagi sa iba ang iyong pagmamahal, Salamat Panginoon sa walang sawang pag agapay, Sa mga oras nanaramdaman naming ang pagod at pagkabagot pero ni minsan ay di mo kami nagawang bitawan, Sa mumunting regalo na dumating sa kalagitnaan ng aming paglalakbay, Sa mga matatapang kong kapatid, na sumugal at hindi inurungan ang hamong ito! Sa nabuo at lumalim na pagkakaibigan, Sa mga oras na sabay sabay kaming nag alay ng panalangin para Sayo, Sa sarap ng tawanan na aming pinagsaluhan… At higit sa lahat, sapagtitiwala mo sa aming kakayahan Na aabot kami hanggang sa dulo… Hindi sapat yung salitang SALAMAT! Para maiutal ...

Daily Prompt: Planner♥

Iniiyakan ko ang planner ko habang  binabasa ang mga naisulat kong plano,  para sa sarili ko, para sa pamilya ko,  para sa komunidad kung san ako nabibilang  at para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas (haha. Loko lang)  yung totoo, nitong mga nakaraang araw,  maraming beses lang nakikipag usap sakin ang Panginoon  sa pamamagitan ng mga talata ng librong aking binabasa,  sa musikang aking pinapakinggan  at maging sa mga taong aking nakakasalamuha,  ang minsang mga bagay na akala ko’y  nakaayon naman sa plano ng Panginoon  ay nag iiba ng ruta at mas pinapakitaan Niya ko  ng bagay na di ko sukat akalain, at kelangan ko talagang namnamin. Ang pulit ulit na mensaheng binibigay Niya “ Mag antay ka ”  ang salitang to na pakiramdam ko unti unti kong ikamamatay (OA lang… haha)  sati’y napak ahirap isa –puso’t isabuhay,  habang iniisip nating ang buhay nati’y isang mahabang paglalak...

Daily Prompt: Just Keep Swimming

They (my sister and my niece) were watching  “Finding Nemo” last Sunday,  and that moment I was plucking my guitar,  I was about to get my capo when I heard clearly what Dory says (the blue fish)  “Just keep on swimming, just keep on swimming” Oh! That’s it! (Seems like God use Dory to remind me this)   When things seem to be impossible to do,  “Just keep on swimming, just keep on swimming” When you feel tired  “Just keep on swimming, just keep on swimming” When in doubt  “Just keep on swimming, just keep on swimming” Because when life gets you down, that's what you've got to do… “Just keep on swimming, just keep on swimming” Not literally but to "Move Forward in Faith" ^_^ #Amen #TYL #ThanksDory #EnduringHeart #FearlessFaith  #71of365 

Fearless: Be Immune to the word Impossible

How do we respond when we we’re challenged? Hang-up? Hold on? fearful instead of being fearless? take a look at the picture again  I was blessed being in this community, Because I used to believe in my Creator, I used to depend on Him... Because.. He knows my limits... He knows my capabilities... and He knows I can give more than I can ever imagine… Many times, when I feel like my faith was being tested by circumstances, I always hold on to His promise and believe that He is a faithful God forever… In our journey with the Lord, keep going... appreciate little progress... and expect miracles to happen… There’s one thing that He is asking us right now: BE IMMUNE TO THE WORD IMPOSSIBLE  “For Nothing is impossible with God” – Luke 1:37 #TYL   #FearlessFriday   #EnduringHeart #66of365   #ForinHimIWillremain   #BringItOn

Daily Prompt: Promise

Mark it down. You can never go where God is not.    "I am With You Always" ~Jesus promised  #MagandahingUmaga

Daily Prompt: Do it again Lord

More than the experience, I was meant to fall in love with You Lord! Thank you for this One of a kind opportunity! Truly, a simple "YES" works like a magic! A simple "YES" to accept not just the fun and enjoyment with You but also the pain and the challenges!  I know that You're not finished with me yet! And so here I am, waving my paddles up! Saying "DO IT AGAIN LORD"  #ThroughThickAndThin    #IdStillCHOOSEToLoveYou   #waitAndSee #SFClife   #WaterRaftingExperience   #58of365  — at Cagayan De Oro City .

Daily prompt: Sometimes, God takes you the long way...

♪ ♫ ♪ I’ll be here patiently waiting… (kinanta mo? ^_^ pamilyar sayo?) Eto lang naman yung isa sa kantang pinasikat ni Mr. Mraz! Applicable! di lang sa pag – ibig kundi sa pang araw araw na buhay di ba? Minsan naramdaman mo nadin yun noh? yung pakiramdam na sobrang inaantay mo yung isang bagay na mangyari tas konti nalang sana, (konting konti nalang) tas bigla kang nainip, nag short cut ka, tas mas napatagal lalo?!!!...   (brrrrr…) –feeling annoyed! T_T mga ganung tagpo! Ang buhay ay isang malaking laberinto, Kung saan mas nakikita Niya yung kelangan mong daanan, kelangan lang ibigay mo yung tiwala mo sa Kanya kasi di ka naman Niya idadaan sa lugar na di ka matututo at di ka mababago. Minsan kasi mas marunong pa tayo sa Kanya, mas pinaniniwalaan nating mas madali yung rutang ginagawa natin sa buhay.  Malamang sa malamang, ang lugar lang kung asan tayo ngayun at ang destinasyon na gusto nating mapuntahan ang tanging nasa isip natin, pero… tingi...

Daily Prompt: God's I love you

Kapag nasasaktan tayo, kadalasan gusto na nating bumitaw...  Ngunit isipin mo ulit, na sa kabila nun,  patuloy na tumitibok ang yung puso...   Napatunayan mong muli na nakakaramdam ka padin,  na buhay ka padin at sa kabila ng mga bakas ng sugat sa iyong puso  ay nananatili kang lumalaban kasi alam mong  hindi pa ito ang dulo ng iyong paglalakbay...  Marahil ay nagrereklamo ka na sa paulit ulit na tagpong ito,  pero may kakilala kaya ako,  mahigit anim na libong sugat ang tinamo niya mula  ulo hanggang dulo ng kanyang kuko,  subalit sa sobrang tindi ng pagmamahal Niya,  kailanman ay hindi Siya umayaw  at tiniis Niya lahat ng yun!  Ang pangungutya at ang walang katulad na sakit,  hindi para patunayang malakas Siya,  kundi isang patunay na ganun Siya katindi magmahal. Batid kong kilala mo din Siya.  Marahil ay nagkasalubong nadin kayo minsan,  ...

Daily Prompt: Spilled

Kamusta?  (muling naiutal ng tinta sa papel) Napadaan lang, marahil ay nagtatampo ka ulit! Ngayo’y ako’y muling nangungulit, Psssst. Sagot naman please… (ang lahat ay tahimik)   Ang tinta ay muling hahalik sa papel, ngunit may mumunting hanging muling iihip… At ang tinta ay matatapon sa espasyong dating kinalalagyan ng blankong papel… NAMISS KITA! (pabulong na sabi ng tinta sa blankong papel) At ang tinta’y muling lalapit… Isang malakas na hangin ang muling hahadlang sa kanilang pag uusap… Matatapon ang botelya ng tinta at hindi na muling magsasalita pa… Ang dating malinis at blankong papel at naligo sa natapong tinta…