Skip to main content

Posts

World: OFF

Alas singko na naman! (Uwian na!!!) Tapos na naman ang isang araw na pakikipagbuno para sa kakarampot na sweldo. Masakit sa likod, mahapdi sa mata, sige na buong katawan na masakit (sabay hilot ng ngalay na kamay) Pagkapa mo sa bulsa mo, kulang na pamasahe mo, Buti nalang malapit lang bahay niyo At di nagbuhos ng galit sayo ang kalangitan. Tsagaan mo nalang lakarin, saying din ng walong piso (buntong hininga) Headphones: ON – World: Off Sabay hakbang ng paa… Lahat na yata ng polusyon masasalubong mo sa daan, Ang walang katapusang pagkalabit ng mga batang lansangan upang manghingi ng barya… Ang mga sasakyang walang pakundangan sa pagbusina   at parang mga pusit sa pagbuga ng maitim sa usok mula sa tambutso nila Ang mga nagkalat na basurang walang mapaglagyan sa kabila ng kaliwa’t kanang “trash bin” Ang sabay sabay na sagutan at bangayan ng mga tindera at mamimili sa isang tindahan ng tinapay At ang masalimuot na amoy ng hangin,...

#Kabanata015

Eksena sa Daan: Pangunahing tauhan: Babae at Lalaki , magkasabay sa paghakbang ng paa, walang imik at tila ba naghahabol ng hininga. (babae) medyo katamtaman ang taas, mahaba ang buhok, may dalang libro at di maipaliwanag ang mukha. (lalaki) mas mataas sa babae, katamtaman ang laki ng katawan at may bitbit na gitara. Iba pang detalye: papalubog na ang araw at tila ba, naiiyak na ang kalangitan. Lokasyon: mataong lugar, lahat ay walang pakialam sa isa’t – isa. Pandagdag: may isang batang haharang sa babae at lalaki, magbebenta ng paninda niya sa bilao. (hindi ito papansinin ng dalawa, patuloy sa paglalakad at tila ba’y may sasabog na emosyon pagkalipas ng ilang minuto) Action: “ANUH BA?!!!!!” (at eto na nga ang inaabangang eksena ng mga tsismosa) (uulitin ng babae ang pagsigaw at uunahan sa paglakad ang lalaki) (maghahabol din ang batang may bilao) (at ang kalangitan ay nag ngingitngit nang maibuhos ang damdamin) Kulog sabay buhos ng malakas na...

♪♫♪ Don't Worry, Be Happy

Madalas tayo magtanong hindi ba? Kasi nga isang biyaya yung ibinigay sa atin ng Panginoon, At yun yung pinagkaiba natin sa ibang nilalang… Madalas naririndi ka na sa paulit – ulit na nagyayari sa buhay mo, Ang walang katapusang pagbiro ng tadhana sayo, At ang di maipaliwanag na dahilan, Kung “bakit nakukuha mo pang mabuhay?” (guilty din ako dito) Madalas kong tanungin ang Panginoon, “Bakit ako?” BAKIT NGA BA HINDI AKO? Sa kabila ng kawalan ng tiwala sa sarili at sa kakayahan ko bilang ako, Di SYA nawalan ng tiwala sakin, at kailama’y di nya ko binitawan. At isa lang yung takbuhan ko kapag wala na matinong maisagot sakin ang mundo, “yung bibliyang ibinigay sakin nung kaibigan ko nung 21 st birthday ko” (ate   jelai – ikaw yung tinutukoy ko) ^_^ #salamatULI Nung minsa’y binabagabag ako masyado ng mga pagpoapasyang gagawin ko, Dahil sa mga kundisyon at sa kahihinatnan, Eto yung payo na ngpakalma sa isipan ko: “DON’T WORRY”   --- ...

heads or tails?

kasabay ng pagtapon mo sa iyong kapalaran, umaasa kang aayon sa iyong kagustuhan... ngunit anu man yung magiging resulta,   paniguradong puso mo padin ang huhusga..

Libre po Magsulat

PARANG ISANG BLANKONG PAPEL...  May mga darating sa buhay natin upang magbahagi Ng magagandang alaala… Ng kalungkutan… Ng di maipaliwanag na galak… Ng masaklap na katotohanan… May magbubura...  At meron namang mag iiwan ng malapot ng tinta… Mahirap burahin… (madalas nating isipin) Pero subukan mong balikan yung unang linya… Pwede ka namang magpalit ng panibagong susulatan diba?     #Paalala: Libre po magsulat ^_^  magpahayag at magbahagi :) 

OO

Nung minsa’y ligawan MO ko, Di MO naman pinangako sakin yung palasyo, Di MO naman sinabing di ako masasaktan, Pero alam MO kung bakit ibinigay ko SAYO Yung matamis kong “OO”?… Simple lang… Kasi wala akong dahilan para humindi SAYO! ^_^ #Salamat Panginoon sa walang katapusang biyaya,   sa tuwing sumasangayon ako sa mga Plano Mo.

Dalawang bangkang papel

Dalawang bangkang papel Na minsa’y nagpaligsahan, Ang unang makarating sa dulo ng ilog, ay syang hihiranging magaling… Ngunit sa kaalaman ng isang bangka, Maaaring ikasira ng kanilang mumunting katawan, Ang pagkahulog sa dulo ng ilog… Kaya sa takot, pinili niyang isalba ang sarili At labanan ang agos… Samantalang ang isang bangka Ay masayang sumabay sa alon, Makailang beses na tumaob sa lakas ng hampas, Pero patuloy na nagpaagos hanggang sa dulo… Isang malakas na pagkahulog sa talon… Sa pag – aalala’y sinilip ng isang bangka kung anung kinahinatnan Ng kanyang kasama, malaking gulat at pagkainggit ang kanyang naramdaman… Masayang masaya ang mumunting bangkang nakikipaglaro sa iba pang Bangkang papel… ^_^ Tulad ng tao, madalas natatakot tayong tumaya para bukas, kasi nga naman walang kasiguraduhan, pero hahayaan mo bang nakawin ng takot ang pagkakataon na maging masaya ka? Minsan din sa buhay natin, hindi yung patutunguhan yun...

#SomethingthatIhavetobesorryfor

Kawawang internet, napagbubuntunan ng galit, ng katuwaan, at kung anu anu pang maisip na gawin ng tao, marahil kung nakakapagsalita sila at nakakagalaw, matagal na nila akong sinampal o kaya binatukan sa mga walang kwentang bagay na naisip ko ilagay sa profile ko at magbahagi ng mga bagay na nakakapanakit sa iba… kulang ang “think before you click” ang mga ipinapatupad na batas, Kung walang disiplinang itinatanim sating mga puso… Nawa’y magsilbing inspirasyon at kagalakan  at hindi sugat sa puso ng ating kapwa ang bawat salitang bibitawan natin  J  #Reflection God’s word – Handle it with care…   ~Proverbs 12:18

@22

Today is my 22nd birthday, or I like to call it, the 1st anniversary of my 21st birthday. ^_^ 22 things that I’ve learned… 1.       Everyday is a discernment phase of our life, that’s why we have to choose if we are going to be blessed or be stressed.   #binigyan tao ng mukha ng panginoon, tayo na bahala sa iba’t – ibang ekspresyon 2.     Love can only be real if you personally know the author. #Amen 3.     Life is not fair… but God is ever faithful.   J #sa lahat ng oras 4.     It’s not about the perfect place but the moment itself. #purnada man ang plano , perpekto padin yun pagdating sa dulo. 5.     Always think of happy thoughts. #at ikaw ay lilipad. Sabi ni peter pan. ^_^   6.     Sometimes the only road to character is through pain. #kelangan minsan ng konting disiplina 7.     People don’t care what you think ...

Snooze Syndrome

Namimilipit ka pa sa lamig, Dulot ng hamog ng umaga, Medyo mabigat ang ulo, Lumilipad pa ang utak sa kinagabihang gimik, Pero kelangan nang bumangon para sa panibagong hamon ng buhay… Pangatlong beses mo nang pinatay ang alarm, Pero patuloy ka paring nakalugmok sa higaan at Wala ka pa sa ulirat… Matapos mong pindutin ang snooze button, Hindi lang ang oras nang pag-gising mo ang pinili mong sirain Kundi ang buong araw mo… Tulad ng pagtawag sa atin ng Panginoon, Marahil ay makailang beses ka narin niyang tinawag Pero ito ang lagi mong sagot sa kanya: “Mamaya na” “Kapag may sapat nakong oras” “Kapag mayaman nako” “Kapag binigay mo na yung hinihingi ko” Madami tayong kundisyon… Palagi nating pinipindot ang “Snooze Button” ng buhay natin… Ilang beses ko nadin tong nagawa, At Ilang beses ko nading napatunayang: “Hindi ang oras na plinano natin, kundi ang itinakdang oras ng Panginoon, ang pinaka-perpektong pagkakataon”...

Ikaw sino ka kaya?

Kung hindi ako si Apple, Sino kaya ako ngayun?  Maaaring isang mananayaw, O kaya ay sikat na mang - aawit... Isang ulirang guro? Sundalo? Doktor? Environmentalist? Astronaut? Manlalakbay? Madre? Isang magaling na arkitekto? o isang manlilimos sa daan... Magtataho kaya? o kaya nama'y tindera ng yosi... Mabuti na lang pala at si Apple ako ngayun... ^^ Maraming maliliit na bagay ang nakakalimutan nating  ipagpasalamat, isa na roon ang pagiging "IKAW" at ang maliit na  porsyentong ginagampanan natin sa mundo! #SalaMatSiAppleAko

Ako nga pala si Apple

Bikolana sa puso, sa isip at sa kainan hahaha :D ISABELINA, by heart, mind and soul! (Vincentian blood) MiSyonaryo, para sa Diyos, sa kapwa, at para sa sarili ko…   Eco Warrior, pero pwede ring Abengers! ^__, haha Epic - Fail Singer, ni sa bangungot man lang, di ako nagkaron ng angelic voice haha… Pero ipagdarasal ko parin! Malay natin (ika nga’y walang himala) Chicken Person, konti nalang lilipad nako! ^^ Manlalakbay, nasa dugo ko na talaga siguro yung pagiging lakwatsera, Puntahan ang bawat sulok at maikot ang buong mundo! Naniniwala akong magagawa ko yun! ^^   (isang araw) Adbenture LOVEr! Dancer Wannabee, non – negotiable! Hahaha :D Day Dreamer, etong sabi ko, ba’t sinali ko pa ba tong characteristic nato, Di ko tuloy alam kung pano ko i-eekspleyn! Haha J Ilusyunada! Oh yun na… Nagmamahal ng buo ( sumusobra pa depende sa tao ^^ ) Nakareserba na ang pu...

Obra

Sa bawat tintang dumadaloy, At sa bawat hapding nararamdaman ng papel, Habang idinidiin sa kanya ang nag uumapaw na ideya, Isang bagong obra ang isinisilang… Magbibigay ng panibagong inspirasyon at leksyon, Kukurot sa puso at magpapatanggal ng kaluluwa, Di sapat na manatiling tumatakbo lang sa isipan, Marapat na mailapat ito sa papel, At maiwan sa isipan ninuman…   Tulad ng tubig sa batis na malayang dumadaloy, Patungo sa malalim na karagatan… Ako’y mananatiling lasing sa ganitong sitwasyon,   Mananatiling nagiisip at nag iilusyon…   Hanggang sa makabuo muli ng isang obra,   Na dadaloy sa dugo ng bawat mambabasa…   #tangkilikinAngWikangAtin ^^ #kape+tambak na gawain sa opisina

Bibbo ^^

Busy akong mag browse ng fb ng... Rnbibz Message you...  di ko na matandaan yung oras at araw, (hahaha) "naisip ko nun.... sino toh?" Mga ilan sa nakalkal ko: Lam mo bang ang unang message na sinend mo sakin ay ang status mo sa FB nung May 25, 2011      “ Worst Headache ever. >:/”   ( May 25, 2011 ; at 21:30 ) At ang unang conversation natin ay ang laban ng Mavs VS. Heats, tungkol sa pustahan at nanalo ka ng 1500, 200 naman sakin J May 30, 2011 – nang una mong sabihin ang sikat mong line na:   “whatever! I’d rather Go shopping”   August 7, 2011 Binigyan mo ko ng Smiley pin, J . à “give that smiley to someone who deserves to smile always or makes you smile wala ako binigyan sa suth. :))” “grabe respeto ko sa mga girls na maria clara­­ pero mas grabe respeto ko sa mga girls na open sa feelings ninda­­ itong open minded na, di lang ang lalake ang pwede manligaw”   - August 8, 2011 “di mo lang ...

KuNeng ^^

One day I met this girl... maingay... basag ang boses kung makatawa (haha... joke lang.. neng) ...a girl with shining, shimmering smile. hehe... (yun yung totoo) peksman! di ko talaga nun ma-imagine, yung sarili ko, makasama ka, makasabay tumawa, ang bongang sharing (remember?) haha... so gay.... ...thank you for sharing that smile neng... (nahawa ako kahit papano hehe) ..for the unexpected visit sa office (makiki-stapler ka lang palan haha) hehe. i remember, nung nag tutuitor ka sa may dabu bldg. tumatawag ka, mula sa malayo tas magkausap tayo sa phone habang nakasilip ako pinto ng office, (hahahaha)  whenever I heard your name isa lang yung na-aasociate ko  (BAYANI - hindi lang sa kulay kudi sa puso) Amen. yun! hehehe... saludo kami saiyo kapatid! at maraming masasayang kainan (hahaha. never umabsent) trip sa buhay, at kung minsan ay sadyang sabog lang talaga ang utak hahaha... hahahaha (naalala mo to cinderella?) Maraming salamat! at M...