Skip to main content

Posts

I WON'T give up (even if there's no more stars in the sky)♥

May 15, 2013 @11:05am Nagtatago lang naman talaga ako ng emosyon,  Mababaw na emosyong kelangan pag isipan ng malalim  at sa tingin ko, di narin naman kelangan pang malaman ng buong sambayanan… sapat nang maibahagi ko na lamang sa pamamagitan ng isang sakong salita,  blankong mensahe o maging sa isang kalunos lunos na larawan…  (sigh) Nakakatakot gumawa ng panibagong hakbang, maari kasing:  hakbang na iyon papalayo at maaaring hakbang na iyon papalapit  sa kung sino man ang makakasabay ko sa mga susunod pang kabanata ng buhay ko… (whew) Andaming “mga di inaasahang tagpo” nararamdaman ng pangunahing bida sa kwento,  ang pagkayamot at biglaang pagkadisgana sa pagbuklat ng susunod ng pahina… (brrrr) May mga bagay nga talaga siguro na kapag hindi para sayo, KELANGAN mo pading ANTAYIN kung talagang para sayo… (may konting pag – asa pading natitira yung tono) Kanta kanta na lang nga din pag may time…  tsk. Tsk. ♪♫♪When yo...

I've searched for You♥

Madami nang nagsisipagtalunang tala sa kalangitan, Tumubo na ulit ang mga nahulog kong pilik mata, Dalawampu’t dalawang kandila na yung nahipan nung aking kaarawan, At halos makalbo nadin ng tuluyan ang mga  bulaklak sa may tarangkahan… sa maraming beses na hiniling kita… Pero alam kong andyan ka lang, Nararamdaman ko, sinisigaw ng puso ko… Nagkasabay na kaya tayong maglakad o kaya naman ay tumawa? Anu kaya yung hugis ng yong mga mata? Hanggang ngayon eh wala parin akong ideya… Medyo malayo pa ata ang lalakarin ko, Bago tayo tuluyang matagpo… Sa bawat hakbang… Sa bawat pagtibok ng puso… Alam kong inilalapit ka sakin ng mundo… KAYA IPAGDARASAL KITA HABANG NAG AANTAY AKO… Dahil ang bawat segundo ay magiging makabuluhan kapag nagkita na tayo, Iiwan ko na sa tunay na may akda ng ating nobela ang panulat, Upang sya na ang magdikta ng mga susunod na kabanata.

Choose to Love

Station of the Cross at Kawa - Kawa Hills , Ligao, Albay Kapag paulit ulit mo daw inuutal ang isang kanta, nae-LSS ka daw… --,) ♪ ♫ ♪   at panu naman kapag halos di ka na pinatulog?!... Mag-aalas dose na ng di parin ako dinadalaw ni “Antok” nilapat ko nadin ang likod ko sa higaan baka sakaling bumigay nadin yung mata ko…  Naglagay ng earplugs at nagpatugtog ng kanta…  ♪ ♫ ♪ And all of my days… I will worship You…  The joy You bring has made me brand new…     (bago sa pandinig ko yung kanta) hmmm… (nag huhumming lang ako – bawal na mag ingay at malalim na masyado ang gabi)… patuloy pading ninanamnam ang mensahe ng kanta… April 02, 2013 l; 12:32am   ~eto yung eksaktong petsa at oras nung tingnan ko ang cell phone ko.  Maka-limang ulit ko nadin napakinggan yung kanta,  Nang nag-unahang magsilabasan yung luha sa mga mata ko (sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko… saka ko naunawaan yung mensahe ng kanta...

G-Em-C-D ♪♫♪

:   Madalas na nagiging komplikado ang mga bagay s a paligid natin, di dahil mahirap itong gawin.. kundi dahil tinitingnan natin ito sa pinaka-komplikadong paraan… Ibibigay kong halimbawa yung sarili ko, (para safe, ako nalang example) ^_^   *Gustong – gusto kong matuto mag gitara,  Ngunit sa tuwing titingnan ko yung bawat “strum” tsaka yung pagpapalit palit ng “chords” matinding pagkayamot ang nararamdaman ko… “ ANG HIRAP NAMAN NYAN !!!”    (brrrrrrrrrr………..) T_T mabilis umaakyat ang BP ko at nadadagdagan yung “ AYOKO NA SYNDROME ”… Ngunit sa kabila ng “maikling pasensya” “wala sa tonong kamay” at “kawalan ng tiwala sa sarili” na magagawa ko yun, Pinipilit ko pading pag aralan at matuto… (hew!) At kahit na mag kanda sugat sugat man ang daliri ko pagkalipas ng dalawang oras makuha lang ang pinaka saktong tono nito…      Di nga talaga ganun kadali…  per...

(Laughter) Salt-water: Cure for any pain ♥

Bata palang ako, napaniwala nako ng mundo na ang pagtawa ang syang gamot sa sakit na nararamdaman ng tao, ngunit higit kong napatunayan habang lumalaki ako, na ang “tubig – alat” pala ay nagpapawi ng higit na kalungkutan sa puso ninuman… Luha --- kapag sobrang saya o kaya e sobrang bigat ng pakiramdam mo, ang pagdaloy ng tubig – alat na yon mula sa mga mata mo ang nagsilbing pakahulugan ng halo – halong emosyon. T_T)   Pawis --- mula sa ilang kilometrong paglalakbay ng mga paa mo na walang tiyak na direksyon… puso mo lang yung nakakaalam ng iyong destinasyon… Dagat --- ilang balde kaya yun kung susumahin?! Napapalibutan tayo ng tubig-alat, na nagsisilbing pamawi sa pusong naghahanap ng katahimikan sa kabila ng maingay na mundo… nakakakalmang tingnan ang paghalik ng araw sa dagat-- ♥   #SummerHurryUP

I AM a Witness!

Wala ngang imposible hangga’t kasama natin ang Panginoon at hinahayaan nating imaneho Niya ang buhay natin, higit pa sa ating inaakala atsa kayang abutin ng ating imahinasyon ang maaaring maranasan natin kapag kasama natin Sya. Higit na nakapagtalon ng puso ko ang misang idinaos na pinagunahan ni  Arch.  Luis Antonio G.   Cardinal Tagle,  ang sarap sa pakiramdam ng mabigyan ng bendisyon ng isa sa mga hinahangaan mo. “Ang gusto ko lang naman ay maglingkod sa maliit na bayan ng Tarnate (Cavite) pero kung san-san na napunta ang buhay ko” – isang pagbabahagi niya sa isang interview (naalala ko).   Re-united ^_♥ with sis karla de villa  Side trip! (with kuya jess and B2) ^_^  SFC Camarines Sur The Abengers (apple -- Mika---Ate jelai--Panie)   Kain na muna! tama na ang picture! :'(   Sing bilis ng metro ng taxi ang bawat pagkakataon, kaya marapat lang na gugugulin mo ito ng may galak, walang paghihinayang...

Kawawang Pebrero!

Kawawang pebrero!  laging nasisisi tuwing may usapang puso,  problema sa puso,  karambola sa puso,  kalahating puso  at kung anu-ano pang mga hinaing na nililika ng tao maiugnay lang sa pebrero,  “Di lang naman Pebrero ang buwan ng pagmamahal. Dapat yan araw-araw, minu-minuto, segu-segundo ginagawa” komento ng isang kaibigan…  (naku! Ganun TAYO! Kelangan pinukpok lagi para ipaalala na bawas-bawasan ang pag-eemow)  Pero di narin nga siguro maiiwasan eh!  T ulad ng paparating na pasko,  kung san nauuso ang “malamig-na-pasko-syndrome”  nagkakaron din ng “single-me-on-valentines-day-syndrome” tuwing pebrero,  kaya marapat lang na paigtingin ang  “OPLAN-Pebrero”   at hikayatin ang bawat isa sa pagbabantay sa mga taong maaring ma-overdose sa kasiyahan, kapag nakatanggap ng isang sakong bulaklak at isang baldeng tsokolate,  At higit sa lahat doblehin ang seguridad ng mga s...

Day-Off

Oras: dalawampung minuto makalipas ang alas nuebe ng umaga Lokasyon: dito sa opisina Sitwasyon: maganda ang sikat ng araw, medyo late akong pumasok kumpara sa inaasahan kong oras na makakatuntong ako ng opisina. ^_^.v (engk!)     ~Araw ng martes, may tatlong araw pa, bago dumating ang “day-off”. Pero san nga ba natin kadalasang ginagamit yung araw na yun? Natanong ko din ang sarili ko isang beses, kadalasan (pahinga --- lugmok sa bahay, halos kalahating araw kung matulog at para bang wala ng bukas, gimik kung saan saan, na parang nakawala sa kulungan --- NAKAKAGUILTY) kaakibat na nga siguro at nakasanayan ng gawin natin bilang tao. Pero sa kabila ng limang araw na pagtatrabaho, abot- tanaw lagi ako sa dalawang araw na iyon (na gawing makabuluhan, gawing kapaki pakinabang at makagawa ng ikauunlad ng aking moralidad at pagkatao) At isang rason narin siguro ang pagsisilbi sa komunidad kung san naging ganap ang pagkakakilala ko sa KANYA, na patuloy na ta...