Skip to main content

Posts

eXTAordiNary Blessings

Alam mo ba kung bakit inako niya ang mga sugat sa kanyang katawan? Alam mo ba kung bakit tiniis niya ang sakit? Alam mo ba kung bakit inalay niya ang buhay niya sayo? At alam mo rin ba kung bakit sa kabila ng sakit na naranasan niya, Eh di ka parin niya binibitawan hanggang ngayon?   Kasi minahal ka niya ng buo Mahal ka niya ng walang pag aalinlangan At mahal ka niya higit pa sa sarili niya, Ikaw? Pano mo mapapatunayan yung tunay na pagmamahal mo sa kanya? Isang malaking hamon para sa lahat ang araw araw na hinaharap nating problema, Hanggang san ka kakapit? Hanggang san ka magiging malakas? At hanggang kailan mo mapaninindigan ang pagmamahal mo sa kanya? Lahat tayo ay dumadaan sa mga di pangkaraniwang biyaya sa buhay, Pero wala tayong rason para bumitaw ng ganun ganun nalang… Buksan mo nga yung mata mo, Pakinggan mo ang puso mo, Alam mong kaya mo! At alam mo ding malalampasan mo! Isa lang ang hinihingi NIYA sayo, Wag mong al...

Para kanino nga ba ako?

Para kanino nga ba ako? Para kanino ako nabubuhay? Madaming beses ko na iyong naitanong sa sarili ko, Pero di ko matagpuan yung sagot… Hanggang sa isang araw, Sa paghahanap ng kasagutan, Dun ko naramdaman yung rason ko, Kung bakit ako inilagay sa mundo, Bakit nga ba hindi ako sa ibang panahon at lugar ipinanganak? Magulo kung iisipin mo pa diba? Pero bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa mundo, Maliit man o malaki, Andyan ka, kasi ikaw lang ang makakagawa nun, Wala ng iba… Kaya buong puso kong sasabihin na: Andito ako ngayun sa lugar kung saan, Perpektong plinano ng diyos   ang bawat detalye ng buhay ko J

Human-scape

"its not about the Landscape, its more on the Humanscape" - from Tito Mannix Ocampo  Nakapunta ako sa napakagandang lugar ng palawan, nakapasok sa underground river at nakalasa ng mga pagkaing dun lang matatagpuan.  Ang mayamang lugar ng Cebu, kung saan matatagpuan ang Magellan's Cross, sa Bohol at nasilayan ang Chocolate Hills, at ang yaman ng lugar na iyon...  Ni sa panaginip ay di sumagi sa isip  ko na makakarating ako sa mga lugar na ito,  mga lugar na pinapangarap ko lamang, mga lugar, na akala ko'y sa libro ko lamang makikita.  Madaming taong naghahangad na makapunta din sila,  pero isa ako sa mapapalad na nakarating sa mga lugar na iyon, halos maiyak ako sa tuwa, sa tuwing nakakapunta ako sa ibang lugar,  panibagong karanasan at mga bagong kakilala...  Pero anu nga ba yung pinaka rason natin kung bakit tayo pumupunta sa mga conferences?  para ba sa magagandang lugar? para ba sa mga kakaibang pagkain? o sa ka...

RECON

Ginataang Alimasag (crabs with cocomilk), Sinabawang Tahong (mussel soup), orEnsaladang Lato ( seaweed salad) natatakam ka siguro...  EXAYTED ka na ba?  Sa iisang lugar tayo'y mag titipon,  sa iisang lugar na ito'y sabay - sabay nating isisigaw:  BIKOLANO, para ki KRISTO!  Sama na!  IHANDA ang inyong sarili,  Isama na ang iyong barkada,  kaklase, kapatid, minamahal at katrabaho... REGISTER na!!!  Regional Conference - Bikol at Bulan, Sorsogon Php 550.00 early registration, extended parin! :) 

RECON 2012 - Bulan, Sorsogon

URAGON, handa ka na ba? SFC Regional Conference in Bulan, Sorsogon September 7-9, 2012 Register na sa pinakamalapit na CFC Center sa inyo. anyayaan ang inyong mga kaibigan, kaklase at katrabaho, sabay - sabay nating isigaw sa mundo: BIKOLANO, para ki KRISTO! :D

Exam

Minsan ang buhay ay parang exam lang… Multiple choice, nakakalito… di mo alam kung A. B. C. o all of the Above yung pipiliin mo, Matching type, maling kapareho, mali na agad yung desisyon mo kaya ingat ingat nalang sa pag pili, subukan mong pag isipan ng matagal… Enumeration… Walang ibang sagot, Sakto lang kumbaga Di pwedeng dalawa yung sagot mo, Isa lang yung tumpak na sagot at wala nang iba. Essay, kung saan Malaya mong maipapahayag ang iyong sarili Opinion at saloobin mo sa naturang katanungan, Medyo durugo lang nga ang utak mo pag Wala kang ideya sa katanungan ng buhay sayo, Anu nga namang maisusulat mo. At ang huli at ang pinakagusto ko! True or False… Palagay ko sa lahat ng klase ng pagsubok na ibibigay ng panginoon Eto yung hinihingi niya satin, Ang maging totoo sa sarili, Maging totoo ka sa tatahakin mong landas, Kasi alam mong dun ka sasaya, Di kailan man mapipilit yung puso mong Maging masaya sa b...

Di mo lang lubos maisip

Hinulma tayo ng panginoon sa ibat ibang paraan Ginawa nya tayong may ibat ibang kakayahan Malaamang naitanong mo na minsan, Bakit iba ako at iba din siya? Patuloy ang pagkukumpara ng mga wala sayo at nasa kanila, Pero, naisip mo din ba? Na may mga taong naghahangad na mapa sa kalagayan mo ngayun? Nangangarap na sana IKAW… SILA,.. Nauubos yung oras natin kakabilang ng mga kakulangan natin bilang tao Pero subukan mo kayang ipag pasalamat ang sobra sobrang biyayang natatangap mo? Ang magising sa araw araw ay sapat ng rason siguro, Kumpara sa mga taong nakaratay at may mga saksak na tubo at aparato, Maipagpasalamat mo man lang sana ang libreng hangin na iyong nahihinga, Kumpara sa taong kelangan magbayad ng milyong halaga, Madugtungan lang ang buhay niya… Kaya mapalad ka parin,… Di mo lang lubos maisip… ^_^ 

MV Weekend

Iba – iba man yung rason kung bakit kami napunta Sa iisang lugar na ito, isa lang yug nagbubuklod samin: yeah!!! -- with my brod and sis from the top!  “DAHIL HINAYAAN NAMING, DALHIN KAMI DITO NG PANGINOON” mga kapwa ko misyonaryo Nag uumapaw yung pagmamahal sa aming mga puso, At ang kagalakan sa mahigit isandaang Brothers and Sisters all over Luzon Na sumagot sa tawag ng panginoon… Nawa’y di lang tumigil dito ng misyon natin sa panginoon, Kundi sa araw araw ay gawin nating isang hamon iyon, Sa bawat isa sa atin, ang maibahagi sa iba at maipadama Ang Pagmamahal ng panginoon sa mga kaklase, katrabaho, Kaibigan at higit sa lahat sa ating PAMILYA… #MV Weekend + Quezon Province Adventure!  God is really a Good artist! see How he paints the Sunset perfectly!
♪♫♪♫♪ how great is our GOD… Sing with me… How great is our GOD… ♪♫♪♫♪ God has never stopped being good, We’ve just stop being grateful... ^__< Acknowledge God in everything that you do, Whenever, wherever… All the time He is with us… Watching… Listening… And answering all our Questions… We may not understand His will for now, But in the perfect time that He will allow, All our questions will be answered And that we have to be always faithful to Him at all times, We may doubt our doubts, But we should never doubt His anointing and plans for us. #Blessed Tuesday Everyone!  God bless!   

Discernment

Dala ang aking sarili, Tumungo ako sa Pagbilao, Dala ang mabigat na damdamin, Bitbit ang mabigat na bagahe, At ang pagtatanong sa tawag ng panginoon, Hindi malinaw sakin Kung anu ang tunay na rason ko, Hinayaan ko lang na dalhin ako ng panginoon sa lugar na iyon. Mag aalas tres ng umaga ng marating namin ang pagbilao, Pagod sa byahe pero andun yung pag – asang May makukuha akong sagot sa mga katanungang Tumatakbo sa utak ko nung oras ding yun… Nagsisimula ang aming umaga sa tunog ng bell… klang klang klang...  Sa unang araw na iginugol ko sa lugar na iyon ay Ang paghahanap ng kasagutan… Sa bawat tanong na gumugulo sa aking isipan, At sa paglalakad ay yaong nakita… Isang bunga ng santol na hilaw… Hilaw sa paniniwala… Hindi handa sa mag bagay na susuungin… Pero naisip ko ding, Baling araw ay mahihinog rin… MV Weekend Discernment Phase At Pagbilao Quezon + Pansit Habhab ...

STIR - Up!

hindi madaling mAgsulat

Di madaling magsulat! Sa kabila ng magagandang salita At inspirasyong naidudulot nito Sa mga mambabasa, May mga panahong blanko ang laman ng isipan Tuyo ang emosyon At walang ganang gumalaw ang mga kamay mo Nananatiling tuud At di maipaliwanag ang nararamdaman… Sakali mang dumating yung puntong Umaapaw ang mga ideya at salita, Ay kailangang agad – agad mong mailapat sa papel O maisulat kung saan, Sa cover ng libro Type mo sa cellphone mo, O kahit sa balot ng kinakain mo, Madalas nangyayari yon! Parang kidlat lang na tatama, Tas mawawala din kapag pinalipas mo pa Kailangan mong panatilihing lasing ka sa ganung sitwasyon Para di ka magambala at dirediretso mong maipahayag ang Nais mong ipahiwatig sa iyong isinusulat, Kung hindi sabog! Mawawala lahat, Hihintayin mo ulit yung pagkakataong Tatamaan ka ng sumpong, Pero kelan? Di mo alam kung anung oras at saang lugar…
Kelan nga ba tayo huling nag-usap? Namiss tuloy kita, Sobrang busy mo kasi, Madaming nakasiksik sa utak mo, Madami ka laging inuuna, Para kang nakikipaghabulan lagi sa oras, Dinadaanan mo nalang ako na para bang hangin, Di naman ako nagtatampo, Namiss lang talaga kita, Namiss ko yung usapan natin, Kung pano ka magsumbong tuwing nasusugatan ka, Kung pano ka umiyak, Kung pano tayo tumawa ng sabay, Naalala mo pa? Kahit konting oras lang yun, masayang masaya ako,   Sana … Magkaron ka ulit ng oras para sakin, Sapat na yun, J Namiss lang talaga kita…
Pano ka nga ba makakalipad ng malaya, Kung may nakataling bigat sayong puso, Yung mga taong di mo mapatawad, At mga pangyayaring di mo mabitawan, Isang mabigat na pasanin, Ikaw ay isang bilanggo sa mga alaala At mga bagay na pwede mo namang bitawan. Ngunit patuloy mong pinapahirapan ang sarili mo, Patuloy mong sinisisi ang sarili mo, At di mo kailanman maramdaman ang halaga ng sarili mo. Siguro panahon na, para alalahanin mo naman Ang sarili mong “kahalagahan” sa mundo. :3

Bibliya

Kahit pala sa pagbili lang ng sapatos Eh may naituturo na ang buhay sayo… Mangyaring isang araw, Nakakita ako ng sapatos na gustong gusto ko, Pero sapat lang yung pera ko… Kaya di ko muna binili yung sapatos Pinalipas ko yung isang linggo. Pero andun parin yung kagustuhan kong bilhin yung sapatos na yun Lumipas ang isang buwan, Unti unting nabawasan yung kagustuhan kong Mabili yung sapatos na iyon, Hanggang sa dumating yung oras na Pwede ko nang mabili yung sapatos Kasi may sobra nakong pera para dun, Pero naisip ko bigla “kailangan ko ba talaga to? O gusto ko lang” tulad ng pagmamahal, O anumang desisyong gagawin mo sa buhay, di mo ito napapatunayan sa maikling panahon lamang, tulad ng mga nararamdaman natin, di mo kailangan magpadala sa tuksuhan, asaran o anumang bagay na mag aadya sayo para humantong ka sa ganung desisyon, kasi minsan, may mga bagay, tao o pangyayari na pinili mo pero di kailanman pinili ng pagkakatao...
Kelan mo pa mas pipiliing maging masaya? Kapag wala ng pagkakataon? O kung imposible na itong mangyari? habang may pagkakataon kang tumawa At makapagpasaya ng iba, gawin mo na… Kung binigyan ka ng pagkakataon na magmahal, Subukan mo, at wag kang titigil at tutulala lang sa isang kanto Masayang mabuhay sa mundo, Di mo kailangan ng karangyaan para mapatunayan ito, Sapat na yung alam mo na may minamahal ka at may nagmamahal sayo di man kauri mo o mga special na bagay na nagpapasaya sayo, Ang mga oras na nakakasama mo ang mga magulang mo., Ang bawat araw na ipinahiram sayo, At ang hangin na nararamdaman mo, Di ba yun lang eh sapat nang ipagpasalamat sa araw araw? Mga simpleng bagay na di natin namamalayang nabuubos din, At mawawala paglaon… Mga simpleng bagay na makukuha mo ng libre Mga simpleng bagay na di mo na kailangan bilhin Mga simpleng bagay na alam   mong di   mo na kailangan hingin Kusang darating… Sana kasing bilis ng te...

porque

sabi nila maswerte daw yung mga taong lubos na minamahal. Pero sa tingin ko mas maswerte yung mga taong nagmamahal, Na sa kabila ng komplikadong sitwasyon, nagagawa nilang magmahal ng buo Nagagawa nilang magmahal ng paulit ulit at Ang magmahal ng walang katapusan sa kabila ng sakit na nararamdaman Sa kabila ng pinag daanan at sa kabila ng kawalan ng pag asang mamahalin din siya pabalik ng taong mahal niya… Masakit mang aminin pero marami satin ang ganun, Di na alintana yung sakit, basta ang alam mo masaya ka sa nararamdaman mo… yung pakiramdam na kahit paulit ulit mong kinakanta yung ♪♫ ♪♪ ♫ ♪ “Heart of mine, how will you keep from dying” pero sapat na sayong kantahin nalang yun tas bukas o makalawa, hahanap ulit ng pagkakataon na magmahal at mahalin muli. Di ba ganun naman talaga dapat Ang tunay na pagmamahal at tunay mong nararamdaman Eh di nanggagaling sa idinidikta ng isip mo Kundi, nakuha mo lang sundin yung isinisigaw ng puso...

Say “YES” to GOD at all times…

Blankong isipan sa harap ng monitor, habang patuloy na umaandar ang aking kamay at ang aking utak. Hanggang ngayun, di parin malinaw sakin kung anu talaga ang gagampanan kong misyon dito sa mundo, di parin ako makapag desisyon sa buhay ko, at di parin ako mabigyan ng buong tapang upang harapin ang nakaatang na responsibilidad ko dito. Mariing tinatangi ng isipan ko, pero alam kong malinaw itong isinisigaw ng puso ko, pero sabi nga nila walang inaatrasang laban ang panginoon at kailanman ay di sya nagpatalo, maka-ilang ulit na tong panawagang galing sa kanya, marahl ay binabalewala ko lang kaya siguro nahihirapan lalong tanggapin ng katawan ko, yung halo halong nararamdaman ng utak at puso ko. Marahil nga, aminin ko man sa hindi, eh ito na talaga nakatadhana para sakin, mabigat ang loob ko sa desisyong gagawin ko pero alam ko na ito yung pinakamagandang desisyong gagawin ko, di ko alam kung may patutunguhan at di ko rin alam kung san papunta tong byaheng ito, ang tangi...

Madya! Bisitahun ta ang SIRUMA!

Mag puun sa halabang byahe kan jeep, hasta tumagilid, pirang beses kang maghugdu asin kaipuhang makiuyun ang saimung hawak sa pag andar kan sasakyan. Si medyo lulaun mairikot man talaga ang tulak asin pamayu, sa paghakalabang tinampong kaipuhan balyuhun nganig makaduman ka sa lugar na ini. Lantsa , para sa gusto  man mag agi sa mayamang kadagatan. Alagad pag ika naman nakatumak sa lugar na padudumanan, Biyung nagsusurulwak sa kagayunan asin sa yaman ang lugar na iniyu, Magpuun sa kagayunan kang pwesto kaini and mga taong mahihigus asin nagtatarabang tabang, nangad ang malaen laen na pagkakan na isisirbi saindu. Turukal kasag, hirimay sira, kurudot ning langka asin hungit nin kadakulang maluto, tapos malaguk kang maliput na tubig ay abaanang siram mabuhay sa SIRUMA. Medyo masakit lang ang pagsakdo kan tubig, pero sa dae matatawarang kahigusan, pagtatarabangan asin pagpadangat sa kada saru, gabus nagigibuhan paagi. ...