Papasok na sana
ako sa isang sikat na coffee shop, para magkape, nang makita ko yung mag iinang
nanlilimos sa gilid nito… bigla akong nakonsensya, naalala ko bigla…
Isang mahabang buntong – hininga, naisip ko na naman ng may isang kaibigan ako sabi nya sakto daw yung taas ng hinliliit ko sa unang linya ng palasingsingan ng kamay ko, kaya kapag nag kakapera daw ako, ubos agad o kung hindi naman, sakto lang. walang sobra wala ring kulang.
May mga taong pinag kakasya ang isang 3-in-1 na kape sa
pitong tao at nakakatiis ng walang makain sa umaga samantalang ako di ako
makakain ng walang kaartehan, nung di gagasta ng sasapat lang sa kaya ng bulsa
ko at sa kagustuhan ng tiyan ko.
Minsan pa tuloy naalala ko na naman, nang nakakuha ako ng
malaking komisyon sa opisina, sa isang iglap nakagasta ako ng libo-libo, tas
nung maisip ko nung huli na, wala na sa palad ko yung pera, kinalma ko nalang
yung sarili ko tas naisip ko na “hindi ko kasi pinagpaguran yung pera kaya
madali ding nawala” pero hindi eh. May munting tinig na gumugulo parin sa utak
ko. “na kung sa mas kapakipakinabang na bagay ko yun ginasta, mas makatuwiran
pa yung dahilan ng paggasta ko”
Isang mahabang buntong – hininga, naisip ko na naman ng may isang kaibigan ako sabi nya sakto daw yung taas ng hinliliit ko sa unang linya ng palasingsingan ng kamay ko, kaya kapag nag kakapera daw ako, ubos agad o kung hindi naman, sakto lang. walang sobra wala ring kulang.
Magaan para saking gumasta ng gumasta, di ko namamalayan
yung mga araw na dumadaan, kelangan kong may maipundar para sa sarili ko at sa
mga magulang ko, kelangan kong isipin yung mga di inaasahang pangyayari na
maaring dumating. Kasi baka isang iglap, bawiin nya nalang yung lahat…
Comments