Skip to main content

Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…


tarah kape tayo? 

Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…    
mas mabuti narin siguro yun kesa sa marijuana o sa shabu ako na- adik.


Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… 
sisihin nyo yung nakaimbento na pwede palang lantakan ang kape at di sa ibang bagay nagiging kapakipakinabang.


Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…
tuwang – tuwa naman yung pinag bibilhan ko ng kape, mantakin mung tatlong beses o mahigit pang baso ng kape ang naiinum ko araw – araw.


Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…
♪♫♪ “nais kung mag beer house ngunit kulang ang pera, kaya’t nagkakape nalang dagdag pa sa kaba...... " ♪♫♪
yka nga ng siakol, “substitute products” – sabi ng microeconomics prof. namen, kapag mas mababa daw ang presyo ng “substitute products” kupara sa aktwal na produktong nais mung bilhin, bababa ang “demand” sa aktwal na produkto at tataas naman ang “demand” para sa “substitute products” pero naisip ko lang ha… kelan ba naging substitute product ng kape ang alak?...


 Di ko kasalan kung bakit adik ako ngayon sa kape…
gusto muh na bang mamatay? Uminom ka ng isandaang baso ng kape ng dire – diretso, tigok ka nun, panigurado… siguro naman kasi di ka huminga, kakapusan ng hangin din siguro ang naging sanhi ng kamatayan mo…


Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…
eh anuh ngayon kung maya’t maya ang pagkakape ko?! Dagdag daw nerbyos… mas nenerbyusin yata ako kung tayo ang pagdiskitahan ng galit ng kalikasan… hindi bam as katakot takot yun?

Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…
habang sinusulat ko ito ngayon, nakikipag karera ang bibig ko sa pag higup ng kape, malamig kasi ang panahon… mas napapadalas tuloy ang pagkakape ko, epekto na rin siguro ng climate change… la niña raw… mas mapapadalas ang pangugulat ng ulan kesa sa pagpapakita ng araw sa atin…


Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… sino ba talagang dapat sisihin ko?
Ang gobyerno???...........
Ang SSS???........
Ang GSIS kaya???............
Baka DSWD pwede???.........
Ang DOH???...............
BFAD???............

Eh yung kapitbahay nalang naming???.......
Pagod narin kasi si batman…

Hindeh………

Ang puno’t dulo nito’y………


Masarap talaga ang Magkape!!!!............... 

Comments

Popular posts from this blog

Daily Prompt: Just Keep Swimming

They (my sister and my niece) were watching  “Finding Nemo” last Sunday,  and that moment I was plucking my guitar,  I was about to get my capo when I heard clearly what Dory says (the blue fish)  “Just keep on swimming, just keep on swimming” Oh! That’s it! (Seems like God use Dory to remind me this)   When things seem to be impossible to do,  “Just keep on swimming, just keep on swimming” When you feel tired  “Just keep on swimming, just keep on swimming” When in doubt  “Just keep on swimming, just keep on swimming” Because when life gets you down, that's what you've got to do… “Just keep on swimming, just keep on swimming” Not literally but to "Move Forward in Faith" ^_^ #Amen #TYL #ThanksDory #EnduringHeart #FearlessFaith  #71of365 

MV Weekend

Iba – iba man yung rason kung bakit kami napunta Sa iisang lugar na ito, isa lang yug nagbubuklod samin: yeah!!! -- with my brod and sis from the top!  “DAHIL HINAYAAN NAMING, DALHIN KAMI DITO NG PANGINOON” mga kapwa ko misyonaryo Nag uumapaw yung pagmamahal sa aming mga puso, At ang kagalakan sa mahigit isandaang Brothers and Sisters all over Luzon Na sumagot sa tawag ng panginoon… Nawa’y di lang tumigil dito ng misyon natin sa panginoon, Kundi sa araw araw ay gawin nating isang hamon iyon, Sa bawat isa sa atin, ang maibahagi sa iba at maipadama Ang Pagmamahal ng panginoon sa mga kaklase, katrabaho, Kaibigan at higit sa lahat sa ating PAMILYA… #MV Weekend + Quezon Province Adventure!  God is really a Good artist! see How he paints the Sunset perfectly!

#Kabanata015

Eksena sa Daan: Pangunahing tauhan: Babae at Lalaki , magkasabay sa paghakbang ng paa, walang imik at tila ba naghahabol ng hininga. (babae) medyo katamtaman ang taas, mahaba ang buhok, may dalang libro at di maipaliwanag ang mukha. (lalaki) mas mataas sa babae, katamtaman ang laki ng katawan at may bitbit na gitara. Iba pang detalye: papalubog na ang araw at tila ba, naiiyak na ang kalangitan. Lokasyon: mataong lugar, lahat ay walang pakialam sa isa’t – isa. Pandagdag: may isang batang haharang sa babae at lalaki, magbebenta ng paninda niya sa bilao. (hindi ito papansinin ng dalawa, patuloy sa paglalakad at tila ba’y may sasabog na emosyon pagkalipas ng ilang minuto) Action: “ANUH BA?!!!!!” (at eto na nga ang inaabangang eksena ng mga tsismosa) (uulitin ng babae ang pagsigaw at uunahan sa paglakad ang lalaki) (maghahabol din ang batang may bilao) (at ang kalangitan ay nag ngingitngit nang maibuhos ang damdamin) Kulog sabay buhos ng malakas na...