“Let us be like Abraham when God called Him,
he immediately responded, "Ready!"
~ (Gen 22:1)
“ di naman talaga ako nandun” isip isip ko
lang kagabi habang nakikinig ako dun sa workshop. Di ko din alam kung bakit ako
nahatak ng mga paa ko papunta dun, ni sa panaginip di ko pinangarap na kumanta
sa harap ng madaming tao, nagsimula lang ata ito nung naghanap sila ng pwedeng
mag commit para kumanta sa isang activity sa community namin, naenganyo akong
sumali nun kasi kasama ko yung mga kaibigan ko, lagi akong active sa practices
at gustong gusto kong naririnig yung mga worship songs…
Tumatayo lagi balahibo ko habang kumakanta na
kami, alam mo yung feeling na, ma-fifeel mo yung presence ni Lord habang masaya
kayong umaawit para sa kanya.
Pero di pala ganun kadali, na basta ka nalang tatayo sa harapan
at kakanta ng kakanta. Sabi nga ni kuya jay kagabi “mabigat na responsibilidad
yung pagtayo sa unahan, kasi ikaw yung magdadala sa lahat para magdasal sa
panginoon, yung tugtog ang bumubuhay sa tao at yun din ang nagiging gabay nila
sa pakikipag usap sa panginoon” …
Kapag nawala ka sa tono o nakalimutan mo yung
susunod na linya
Hindi na mahalaga yun, hanggat sa
patuloy na nakakonekta yung puso mo sa
pakikipagusap sa panginoon, di ka mawawala…
“I must decrease. HE must increase”
Nalaman ko din na “habang kumakanta tayo”
hindi para makilala tayong magaling o hindi para kainggitan ng mga tao. Kundi
dahil para ipaalam sa mudo kung gano mo kamahal ang panginoon, at lahat ng
binigay niyang talento satin ay kailangan ialay natin sa kanya.
Bago man lang ako matulog, paulit ulit na
tumatakbo sa utak ko yung kantang “heart of worship” yung particular na linyang:
♫♪♫♪
“I’ll
bring you more than a song for a song than itself is not what you have
required. You search much deeper within; you look in into my heart” ♪♫♪♫
sa konting oras na
isinakripisyo kong maupo at makinig nung gabing yun eh hindi lang naghatid
sakin ng kaalaman kundi ng mas epektibong paraan ng pakikipag usap sa
panginoon, saka ko naisip na “kaya pala ako dinala ng paa ko dito… kaya pala”
♪♫To be salt of the
earth and light to the world for you Jesus…
Comments