Skip to main content

Tanggapin ang mga bagay na wala na, at maging masaya sa kung ano pang natitira...









Minsan darating sa puntong…
Yung mga taong dati mong kasama,
Dadaan daanan ka nalang….
Yung tipong wala lang kayong pinag daanan,
Yung tipong di kayo magkakilala at di niyo nakikita ang isa’t isa
Pero sa kabila ng lahat ng yun, di mo maalis na…
Maraming beses kayong tumawa ng sabay
at dahil sa isang pagkakamali lang…

biglang nagbago yung lahat.

………………………………………………….


Mahabang panahon ang ginugol nio para maibalik yun.
Pero kahit anung pilit mo ay di mo mapigilang balikan yun,
Nung napanood ko yung pelikulang “the vow”
Isang linya ang inantay kong sambitin ng isa sa mga gumanap dun

“na sa isang pagkakamaling nagawa nung asawa niya,
nagawa nyang patawarin ito,
dahil sa madaming magagandang bagay na nagawa niya para sa kanya”


mahirap man paniwalaan na magagawa mong patawarin at
maibalik kung anu man kayo noon,

darating at darating ka sa puntong….

“oo nga pala” hindi naman mahirap!

Isang buntong hininga…

Tapos sasabihin mo ulit…

“nakalimutan ko na, kaya wag mo nalang ulitin”

at magiging dahilan yun ng pagbangon ng pag asang maibabalik pa…
at ang pagpapatawad ng bawat isa sa kamaliang nagawa at sa panibagong papel na
muling susulatan ng alaala. J


Comments