Skip to main content

Bahaghari :)



Nakangiti ako ngayun hindi dahil masaya ako kundi dahil napapasaya ko yung ibang tao, kahit sa konting oras nagiging bahaghari ako sa kanilang malungkot na mundo.
 Mahirap man ipagsabayan yung lungkot sa saya, nagagawa ko parin…
Kasi alam ko na sa kabila ng mga pinag dadaanan ko ngayun,
mas higit na kailangan ako ng mga taong nakapalibot sakin,
mas higit na kelangan kong maging malakas para sandalan nila,
at mas MALAKI yung kinikilala kong AMA kumpara sa mga dumarating na problema.
 ♪♪♫ Isigaw sa mundo…  SFC ako. Hindi mahihiya… hindi matatakot…
habambuhay, dadalhin ko… ang pangalang SFC……. Sa puso ko <3 ♫♫♫
 sa tuwing kinakanta ko to o kaya naririnig ko lang, lumalakas lalo ang loob ko.
Mas nakakaya ko yung mga bagay na kailanman ay di ko inakalang kakayanin ko pala. SYA yung dahilan kung bakit ko nalampasan lahat ng sakit at mapapait na pangyayari sa buhay ko, SYA yung dahilan kung bakit nakakaya kong ipasa kung kasiyahan na nararamdaman ko sa iba. SYA yung dahilan kung bakit hanggang ngayun nakatayo ako at isinisigaw sa mundo kung sino ako.
Naging malaking bahagi SYA ng buhay ko simula bata ako hanggang ngayun at magiging parte SYA ng buhay ko hanggang sa huling hininga ko sa mundo…   

Comments