Skip to main content

Posts

Showing posts from 2012

Kaleidoscope World

---> pindutin upang mag- Balik Tanaw Tunay ngang naging napakakulay ang taong ito (^_^) madaming makabuluhang bagay ( isali na ang mga walang kwenta - magkaganun man ay naging parte padin sila ng nagdaang taon) Napuno ng saya at aral. Pagdiskubre ng mga bagay na (magagawa ko pala) at ng mga bagay na kelangang tanggapin kong hanggang dun na lang. Isang makabuluhang taon na nagpatatag sa aking pagkatao, sa kabilang ng di maipaliwanag na pagbangon sa kabila ng pinaghalong tamis at pait na karanasan. Mga taong naging parte ng ating paglalakbay... may mga nagpaiwan at may mga sumabay... at may iba na mang mas piniling lumiko ng daan... magkaganun man.. may kaunting pag -asa pa sa puso mong naiwan. Ang mag krus ang inyong daan, kahit sa pinakamalabo mang paraan. Ang pagbubuklod - buklod sa kabila ng isanlibong pagkakaiba... Ang Milyon- milyong tawang pinagsaluhan Ang milya-milyang daan (matuwid o baku-bako man) Ang di paawat na Unos (pisikal o emosyonal o spiri...

Ipagpapatuloy ko

Minsa’y sumagi narin siguro sa iyong isipan? Na “kung pwede lang diktahan ang tadhana” Ang sarap iliko ng iyong daraanan, yung tipong magsasalubong kayo ng taong makakasama mo hanggang sa dulo ng paglalakbay mo dito sa mundo, yung tipong ikaw ang may kontrol sa bawat pindutan at liko – likong   daan… pero hindi eh! Ang mundong ito ay isang napakalaking “Maze” Once na pumasok ka sa isang pintuan, Kailangan mong tapusin ang laro, Di mo masisiguro ang labasan, Maaaring makulong ka sa isang lagusan, At maaaring mapunta ka sa tamang daan, Walang ibang nagdidikta kundi ang iyong “puso” Kung liliko o hihinto… Patuloy sa paglalakbay At walang kasiguruhan ang iyong bawat hakbang… Hangga’t sa pinanghahawakan mo ang pag – asang Mararating mo ang dulo…   At sana kung pwede lang… Ililigaw ko ang tadhana… Ng di na kailanman muling magkita… At ng di na muling masaktan pa…   Iguguhit ang bahaghari sa langit,   Ng maka...

Eyeliner.... Pipikit Ako

♪ ♫ ♪ ♫ " Pipikit ako, pipikit at magpapatihulog.  Tutuksuhin ng hangin ang tastas ng aking  paldang lumalagpas sa gilid ng bato.  Nais kong lumangoy sa kawalan,  lumangoy sa kawalan.  Pipikit ako't sisisid sa karagatan ng mga bisig mo.  Pipikit ako't sisisid sa karagatan, sa nalalabing karapatan ko.  Nakabukas man o sarado ...  Pagkatapos, sasabak ang aking katawan sa kawalan.  Bahala na kung ano ang makita pagbukas ng aking mga mata.  Mga matang nakapikit, nagpupumilit sumilip.  Ooooh pipikit ako't sisisid ... pipikit, sisisid ooooh."   ♪ ♫ ♪ ~Natuwa talaga ako’t namangha nung minsa’y may nadaanan akong isang blog. Nabasa ko yung title ng Song “Eyeliner/pipikit ako”…   (parang pang indie film – ganitong ganito din kasi yung mga karaniwang title nila, mga di pangkaraniwan) – ginamit sa isang short Indie film na pinamagatang   “ Pirouette ”        ~At sa dinami dami n...

Life goes full circle

    Habang inuubos ang ilang minutong pagmamasid sa paghampas ng karagatan, May tamis na hatid ang paulit – ulit na paghalik ng tubig sa Dalampasigan, makailang ulit man itong hilahin ng kabuuhan… Nakakatuwang isipin na sa kabila ng bilibid na mundong iniwan mo, Matatagpuan mo ang sarili mong tumatawa, At panandaliang bibitawan ang kung anumang balakid Sa iyong mumunting kasiyahan, Ilang minuto mong itatapon ang dating ikaw, Sa pagtitiwalang, makukuha mo pabalik ng buo. At ang tanging nagdidikta ay ang mga hampas ng alon, Ang milyon-milyong buhangin at ang milya milyang lalim ng karagatan… #Explore #MoreFunInParacale #PulangDaga  12-08-2012

Damdaming Hiram

Kung sakit mang maituturing ang pagsusulat, malamang… WALA NA TONG LUNAS… at panghabambuhay ko nang dadalhin to! pumulupot man ang iyong dila, sa pagsunod sa mga linyang aking ginawa… ang bilibid na emosyong di papigil… at ang mga salitang patuloy na gumigiling,   kasalanan bang maituturing? Ang itago ang kalungkutan sa aking mga ngiti? Tamis at pait ay naghahalo na naman… Ni di makuha ang timplang inaasam, Isang kampay ng kape naman oh… Pampagising lang ng araw ko!   Matagal na namang naipon to, At kailangan nang pakawalan, Mula sa tuldok ay mabubuo ang mga salitang maglalarawan… Sa mga makakabasa at makikiramdam. Sapat nang iwan ko muna ang damdaming hiram… Pasensya na’t nalilito lang…  #Kape at ang bilibid na emosyon 

♪salamat saiyo, kaibigan ko♪

Alam mo kung anung maganda sa isang kaibigan? Di mo kailanman sila maiaalis sa buhay mo, Naging masakit man o masaya yung karanasan mo kasama sila Hindi sila tulad ng tinapay sa bakery na kapag panis na eh pwede mong palitan Hindi sila battery, pero konting lambing mo lang, Re-charged ulit sila para lang pasayahin ka, Umabot man sa puntong wala sila sa mood para pagtyagaan ka, Hahanap at hahanap sila ng paraan Para wag mo lang maramdaman na nag iisa ka, Kahit halos mapukpok ka na nila sa sobrang inis Dahil sa kagagahang paulit ulit mong ginagawa. Magkaganun man, darating at darating sa puntong Mararamdaman mong wala ni isa man lang sa kanila Ang makaalala sa mumunting pangakong binitawan niyo bilang magkakaibigan, Ngunit isa lang yung iiwan nilang sayo, “yung mga aral at ang dami ng oras na pinili mong maging masaya kasama nila” #friendship #lifeLEssons

Mga mumunting kasiyahang bumabanat sa bibig ko :)

Kape --- (malapit ko na syang ilista bilang “kaibigan” haha – pero nag-iisa padin si Lord---sya yung bestfriend ko simula na iniluwal ako ng mama ko sa mundo) “Sweet Nothings ” ---(minsan, dugo’t pawis na ginagawa natin upang pag isipan at pag planuhan ang maaaring makapagpasaya sa isang tao, pero yun yung di natin lubos maisip --- lahat ng tao, kapag ginawa mo iyon para sa kanya ng maluwag sa puso mo, higit pa sa ukit sa puso ang maibibigay mo sa kanya --- wala sa presyo at sa ganda, kundi sa sinseridad ng puso mo) Anyong TUBIG --(takot ako malunod, kasi nga eh di ako marunong lumangoy… pero napakasayang maglakbay sa malawak na katubigan… ang paghampas ng alon sayo habang nag iiwan ka ng bakas ng iyong mga paa sa buhangin… ang pagmasdan ang paglublob ng araw sa dagat tuwing takipsilim… isang patunay na napaka swerte nating nilalang) Bolpen,Papel at Ritmo ---- (ang pagsabayin ang pagsusulat at ang pintig ...

RA 2012-LOVE

Sobrang laki ng suliraning pang ekonomiya, Pero mas malaki parin pala ang saklaw ng suliraning pam-PUSO Kaya nga di narin nakakapagtaka Ang mga mala-kabuteng pagsulputan ng mga, “On the spot Love Analyst” Nagbibigay payo sa mga… Pusong sawi Pusong sugatan Pusong bato Torpe Na-Friendzone O nang Friendzone Di mapiyansahan ang pagkakakulong sa nakaraan At sa mga patuloy na umaasang mamahalin sila pabalik Ng mga buwis – buhay nilang minamahal… Ang pagsikat ng mga kantang sumasabay sa pinagdaraanan ng puso Umaani ng milyon-milyong “likes, shares at views” Laman ng bawat “tweets, status, inbox ng cellphone mo at mangilan ngilan nadin ang nakakagawa ng libro” at pansin mo din ang mga “youtube sensations” na sumasalamin Sa nakaraan at kasalukuyang sitwasyong kinakaharap nila. Marahil nga hindi sapat na libreng goto lang yung pinagtutuunang pansin ng Gobyerno Kundi ang paggawa nadin ng ahensyang kakalinga sa mga puso.    ...

Tadhana

Minsan gagamitin ka ng Tadhana upang paglapitin ang dalawang puso kahit sa pinakamasakit na paraan… may mga bagay, tao, pangyayari at sitwasyon, na ibibigay satin, na akala natin ay magtatagal… di kukupas, di mauupos, di mawawala… ngunit bigla nalang maglalaho ng parang bula Walang pasubali at wala man lang pagpaparamdam, Kusa nalang magsisiaklasan ang utak at puso mo Sa di maipaliwanag na nararamdaman… Mariing itinatanggi ng utak mo, Pero alam mong sobrang lalim na ang komplikasyon nito sa puso mo. Madalas tanungin mo ang tadhana “Anu nga bang kasalanan ko sayo?” O kaya ay baka napagtripan ka nga lang niya…   “Ang hirap intindihin ang Mundo” Isang masaklap na pangyayaring… Kailanman ay di na maiaalis sa ukit ng tadhana… Umaasa ka nalang na isang araw, Muling mabubuo ang puso mo, Buong – buong tatanggapin ang iyong kahinaan at Muling babangon upang sumabok ulit, Sumabak sa giyera At s...

World: OFF

Alas singko na naman! (Uwian na!!!) Tapos na naman ang isang araw na pakikipagbuno para sa kakarampot na sweldo. Masakit sa likod, mahapdi sa mata, sige na buong katawan na masakit (sabay hilot ng ngalay na kamay) Pagkapa mo sa bulsa mo, kulang na pamasahe mo, Buti nalang malapit lang bahay niyo At di nagbuhos ng galit sayo ang kalangitan. Tsagaan mo nalang lakarin, saying din ng walong piso (buntong hininga) Headphones: ON – World: Off Sabay hakbang ng paa… Lahat na yata ng polusyon masasalubong mo sa daan, Ang walang katapusang pagkalabit ng mga batang lansangan upang manghingi ng barya… Ang mga sasakyang walang pakundangan sa pagbusina   at parang mga pusit sa pagbuga ng maitim sa usok mula sa tambutso nila Ang mga nagkalat na basurang walang mapaglagyan sa kabila ng kaliwa’t kanang “trash bin” Ang sabay sabay na sagutan at bangayan ng mga tindera at mamimili sa isang tindahan ng tinapay At ang masalimuot na amoy ng hangin,...

#Kabanata015

Eksena sa Daan: Pangunahing tauhan: Babae at Lalaki , magkasabay sa paghakbang ng paa, walang imik at tila ba naghahabol ng hininga. (babae) medyo katamtaman ang taas, mahaba ang buhok, may dalang libro at di maipaliwanag ang mukha. (lalaki) mas mataas sa babae, katamtaman ang laki ng katawan at may bitbit na gitara. Iba pang detalye: papalubog na ang araw at tila ba, naiiyak na ang kalangitan. Lokasyon: mataong lugar, lahat ay walang pakialam sa isa’t – isa. Pandagdag: may isang batang haharang sa babae at lalaki, magbebenta ng paninda niya sa bilao. (hindi ito papansinin ng dalawa, patuloy sa paglalakad at tila ba’y may sasabog na emosyon pagkalipas ng ilang minuto) Action: “ANUH BA?!!!!!” (at eto na nga ang inaabangang eksena ng mga tsismosa) (uulitin ng babae ang pagsigaw at uunahan sa paglakad ang lalaki) (maghahabol din ang batang may bilao) (at ang kalangitan ay nag ngingitngit nang maibuhos ang damdamin) Kulog sabay buhos ng malakas na...

♪♫♪ Don't Worry, Be Happy

Madalas tayo magtanong hindi ba? Kasi nga isang biyaya yung ibinigay sa atin ng Panginoon, At yun yung pinagkaiba natin sa ibang nilalang… Madalas naririndi ka na sa paulit – ulit na nagyayari sa buhay mo, Ang walang katapusang pagbiro ng tadhana sayo, At ang di maipaliwanag na dahilan, Kung “bakit nakukuha mo pang mabuhay?” (guilty din ako dito) Madalas kong tanungin ang Panginoon, “Bakit ako?” BAKIT NGA BA HINDI AKO? Sa kabila ng kawalan ng tiwala sa sarili at sa kakayahan ko bilang ako, Di SYA nawalan ng tiwala sakin, at kailama’y di nya ko binitawan. At isa lang yung takbuhan ko kapag wala na matinong maisagot sakin ang mundo, “yung bibliyang ibinigay sakin nung kaibigan ko nung 21 st birthday ko” (ate   jelai – ikaw yung tinutukoy ko) ^_^ #salamatULI Nung minsa’y binabagabag ako masyado ng mga pagpoapasyang gagawin ko, Dahil sa mga kundisyon at sa kahihinatnan, Eto yung payo na ngpakalma sa isipan ko: “DON’T WORRY”   --- ...

heads or tails?

kasabay ng pagtapon mo sa iyong kapalaran, umaasa kang aayon sa iyong kagustuhan... ngunit anu man yung magiging resulta,   paniguradong puso mo padin ang huhusga..

Libre po Magsulat

PARANG ISANG BLANKONG PAPEL...  May mga darating sa buhay natin upang magbahagi Ng magagandang alaala… Ng kalungkutan… Ng di maipaliwanag na galak… Ng masaklap na katotohanan… May magbubura...  At meron namang mag iiwan ng malapot ng tinta… Mahirap burahin… (madalas nating isipin) Pero subukan mong balikan yung unang linya… Pwede ka namang magpalit ng panibagong susulatan diba?     #Paalala: Libre po magsulat ^_^  magpahayag at magbahagi :) 

OO

Nung minsa’y ligawan MO ko, Di MO naman pinangako sakin yung palasyo, Di MO naman sinabing di ako masasaktan, Pero alam MO kung bakit ibinigay ko SAYO Yung matamis kong “OO”?… Simple lang… Kasi wala akong dahilan para humindi SAYO! ^_^ #Salamat Panginoon sa walang katapusang biyaya,   sa tuwing sumasangayon ako sa mga Plano Mo.

Dalawang bangkang papel

Dalawang bangkang papel Na minsa’y nagpaligsahan, Ang unang makarating sa dulo ng ilog, ay syang hihiranging magaling… Ngunit sa kaalaman ng isang bangka, Maaaring ikasira ng kanilang mumunting katawan, Ang pagkahulog sa dulo ng ilog… Kaya sa takot, pinili niyang isalba ang sarili At labanan ang agos… Samantalang ang isang bangka Ay masayang sumabay sa alon, Makailang beses na tumaob sa lakas ng hampas, Pero patuloy na nagpaagos hanggang sa dulo… Isang malakas na pagkahulog sa talon… Sa pag – aalala’y sinilip ng isang bangka kung anung kinahinatnan Ng kanyang kasama, malaking gulat at pagkainggit ang kanyang naramdaman… Masayang masaya ang mumunting bangkang nakikipaglaro sa iba pang Bangkang papel… ^_^ Tulad ng tao, madalas natatakot tayong tumaya para bukas, kasi nga naman walang kasiguraduhan, pero hahayaan mo bang nakawin ng takot ang pagkakataon na maging masaya ka? Minsan din sa buhay natin, hindi yung patutunguhan yun...

#SomethingthatIhavetobesorryfor

Kawawang internet, napagbubuntunan ng galit, ng katuwaan, at kung anu anu pang maisip na gawin ng tao, marahil kung nakakapagsalita sila at nakakagalaw, matagal na nila akong sinampal o kaya binatukan sa mga walang kwentang bagay na naisip ko ilagay sa profile ko at magbahagi ng mga bagay na nakakapanakit sa iba… kulang ang “think before you click” ang mga ipinapatupad na batas, Kung walang disiplinang itinatanim sating mga puso… Nawa’y magsilbing inspirasyon at kagalakan  at hindi sugat sa puso ng ating kapwa ang bawat salitang bibitawan natin  J  #Reflection God’s word – Handle it with care…   ~Proverbs 12:18

@22

Today is my 22nd birthday, or I like to call it, the 1st anniversary of my 21st birthday. ^_^ 22 things that I’ve learned… 1.       Everyday is a discernment phase of our life, that’s why we have to choose if we are going to be blessed or be stressed.   #binigyan tao ng mukha ng panginoon, tayo na bahala sa iba’t – ibang ekspresyon 2.     Love can only be real if you personally know the author. #Amen 3.     Life is not fair… but God is ever faithful.   J #sa lahat ng oras 4.     It’s not about the perfect place but the moment itself. #purnada man ang plano , perpekto padin yun pagdating sa dulo. 5.     Always think of happy thoughts. #at ikaw ay lilipad. Sabi ni peter pan. ^_^   6.     Sometimes the only road to character is through pain. #kelangan minsan ng konting disiplina 7.     People don’t care what you think ...